kung bakit may mga anak na nakakayanang iwanan at abandunahin ang mga may edad na magulang sa home for the aged? Hindi ba sila nakokonsensya na iiwanan na lang nila doon yung mama o papa nila? Bakit hindi nila kayang suklian yung pagpapalaki at pag-aalaga na ibinigay ng mga ito sa kanila? Mahirap bang gawin ang alagaan ang taong kumalinga at nagmahal sa’yo ng lubos mula ng musmos ka pa lamang? Naaawa ako para sa mga matatanda na ganito. Dahil hindi sila matagalan ng mga anak na inalagaan at minahal nila sa mahabang panahon, at kinailangan pang ipadala sila sa mga bahay- ampunan.
Basta ako, hinding- hindi ko gagawin yun sa mama o sa papa ko. Never. Kahit ang buong buhay ko, hindi sapat para mahigitan ko ang mga bagay na ginawa nila para sa akin at sa aking kapatid.
No comments:
Post a Comment